LEAVE ME ALONE!" "KALIMUTAN MO NA AKO!" Yan ang ilang beses ko nang sinasabi sa taong minahal ko ng husto nuon, at isa na lamang siyang nakaraan ng buhay ko ngayon na binaon ko na ng tuluyan sa limot. Kasama ng mga masasakit n kahapon.
"I'm okay now, so please just leave me alone?!"
Ganon talaga siguro kapag wala na ang isang bagay sa isang tao, 'tsaka lang nila maiisip ang kahalagahan nito sa buhay nila. And true enough, 'yan ang nangyayari sa ex ko ngayon. At kahit kelan, ano man ang gawin niya, gaano man siyang magsisi huli na ang lahat para maibalik yung mga sinayang niya. Never nang babalik ang mga bagay na hindi niya pinahalagahan nung panahon na nasa harap pa niya ito. At mas masakit para sa kanyan na malaman, na ang taong pinipilit niyang ibalik sa buhay niya ay may masayang buhay na ngayon sa piling ng taong mahal niya at minamahal din siya ng totoo at buong buo, at higit pa sa pagmamahal na naibigay nuon.
Kaya magpasalamat tayo at pahalagahan ang mga bagay na meron tayo ngayon, lalong lalo na ang mga taong nagmamahal sa atin unconditionally at nagbibigay ng atensyon sa atin. Dahil kapag nahuli na ang lahat, hinding hindi na natin maiibalik yun...