I Love My Blog Rebel Princess: January 2010

Tic! Tac! Tic! Tac!

Followers

Follow me!

Message me

♥I Blog, I care ♥


I Blog, I Care Movement

Click here


There was an error in this gadget
There was an error in this gadget

Earn Money now

I can E-Load you here

Tuesday, January 26, 2010

♥ I missed you so much Mama ♥

It's my 2nd day here in our new place in Makati ni Baby K0h. Okay naman yung place and yung owner. She's so nice to us. Wala kaming problem sa pakikisama. Masaya naman kami sa new house namin, kaso namamahay pa rin ako kahit nakakadalawang tulog na ako dun. Feel na feel na rin namin ni Baby k0h ang buhay may asawa. Everyday ako ang nauunang umuwi sa kanya from work. Kaya laging naghihintay pa ako sa kanya sa pag-uwi niya. Pero okay lang, at least pagdating niya may malinis na yung bahay and may nakaready ng dinner pagdating niya. Nag-aadjust pa rin kami sa kanya kahit matagal na kaming magboyfriend/girlfriend bago kami nagsama. Iba pa rin talaga kapag nakasama mo na sa bahay. Dun makikita kung pano siya gumalaw sa loob ng bahay, kung maingay ba siyang matulog or kumain, kung burara ba siya sa gamit or maimis, kung boring ba siya ng kayong dalawa na lang sa iisang bubong, at kung anu-ano pa. So far, wala pa naman kaming nagiging problem, ewan ko lang sa kanya kung may problem ba siya sa akin. Hehehe.

Kaso may isang bagay pa rin akong hindi ko pa nao-overcome, ang pagkamiss ko sa parents ko, lalo na sa Mom ko. Nung nagba-bye nga lang siya nung umalis ako hindi ko mapigilang mapaiyak habang naiisip ko na hindi ko na masyadong makakasama ang Mom ko. Sobrang mahal na mahal ko talaga sila ng Dad ko.


Kanina ngang umaga, hindi ko na naman napigilan ang emotion ko nung nagtext ang Mom ko sa aki
n.

"Good morning! Ako rin namimiss kita dito sa bahay pero massanay din tayo, basta mahal na mahal ka rin namin ng Papa mo, yan ang tandaan mo. Kailangan nyo lang talagang matutong magsarili muna para maipakita nyo na kaya nyo. Sige ingatan mong mabuti ang sarili mo. I love you and God bless you always."


Grabe, hindi ko man lang napigilang umiyak habang nandun ako sa tapat ng bakery naghihintay
sa officemate ko pagpasok sa office. Panay ang pahid ko sa mga luha ko na parang hindi nauubos sa pagtulo. Bawat words na galing sa text ng Mom ko, tumatama sa puso ko, na parang napapaisip ako sana hindi muna ako bumukod, para laging ko silang kasama at hindi ako nalulungkot at nangungulila ng ganito sa kanila ngayon. Pero alam kong hindi pwede, dahil ayoko rin namang mawala yung pinaninindigan ko at yung taong mahal ko. Kahit nandito na ako sa office, tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko na para akong bata na naghahabol sa ina. Iniisip ko talaga sila ngayon kung kumusta na ba sila at ano ang mga ginagawa nila. Ngayon ko nararamdaman kung gaano sila kaimportante sa buhay ko. Kaya sobra rin akong nagpapasalamat kay Papa God na sila ang naging magulang at naging mapagmahal ng husto sa akin kahit may mga sama ng loob din akong naidulot sa kanila nuon nung nasa teenage years pa ako.

Gumaan na ang loob ko nung sinabi ni Mama:


"Kaunting tiis lang, at makakatabi ka rin dito sa bahay natin, kaya nga may bakante dito, para kapag napatunayan nyo na, na kaya nyo, pwede na kayong makalipat dito at magkakasama na ulit tayo."

I love you so much Mama!
Praise the Lord!..

Monday, January 25, 2010

♥ I loveyou Mama and Papa ♥

Yesterday, after the mass service, I prayed to Papa God na give me strength and courage para makausap ko ang Dad ko regarding sa pagpapaalam ko na magpapakasal na kami ni Baby k0h. Sobrang tutol kasi siya dun, kaya hirap na hirap akong kausapin siya tungkol dun. But I never give up, because I have faith na dadating ang time na matatanggap din ng Dad ko yung taong mahal ko.

Mga after lunch, sinubukan kong silipinsi Papa sa room nila. And napa-thank you Lord ako nung nakita ko siyang hindi busy. Pumasok ako na full of prayers na magiging maayos yung pag-uusap namin at masabi ko ang lahat ng gustong sabihin sa kanya at ihingi ng tawad sa kanila sa sama ng loob na naidulot ko sa kanila ng Mom ko. Tinabihan ko siya sa bed sabay yakap ng mahigpit,

Papa: Ano yun? may sasabihin ka ba? (malumanay ang kanyang boses)
Lesbee: Uhm.. (pabulong) may sasabihin ako sa'yo Papa.
Papa: Mmm.. Ano yun?
Lesbee: (pabulong) magpapaalam tabe kami na bubukod na kami ni Joel.
Papa:(pause..) Oh sige, kaya mo na ba?
Lesbee: Opo.. (napapaiyak na)
Papa: oh sige, tutal hindi ka na mapipigilan, nasa hustong edad ka na. Sige bumukod na
kayo. Pero kaya mo na ba talaga?

Lesbee: (umiiyak na..) opo Pa.
Galit ka ba tabe sa akin?
Papa: Hindi, hindi naman ako nagagalit sa'yo. Pinipigilan lang sana kita. Hindi naman sa
naghahangad ka
mi na makapangasawa ka ng mayaman. Ang gusto lang sana namin, eh
yung stable na at kahit hindi ka na magtrabaho kaya kang buhayin ng mapapangsawa
mo at mabuhay sa nakalakihan mo. Syempre gusto namin ng Mama mo na nasa mabuti
kayong buhay. Kay pinipigilan sa na kita, pero nandyan na, ayaw mo ng papigil at
nakikita naming desisyunado ka na talaga, sige bumukod ka na. Sana lang mapagtiisan
mo siya at ang magiging bagong buhay mo.

Lesbee: (iyak na ng iyak..) Sorry talaga Pa sa sama ng loob na nbigay ko sa inyo.. Sorry
talaga, sorry.

Kakayanin ko
naman po, at aasenso din kami katulad ng naging buhay nyo ni Mama.
(sabay yakap ng mahigpit)

Papa: Sige na, wag ka ng umiyak. Mag-asikaso ka na ng gamit mo.

(hayy, ang drama ko talaga.. Pero ganun talaga ako, sobrang emotional lalo't pagdating sa parents. Mahal na mahal ko kasi sila.) At yun nga, nag-ayos na ako ng mga gamit ko na kailangan ko, uniforms ko, mga damit ko, mga abubot ko, favorite pillows and blanket ko, etc.

Kinagabihan, dumating na ang Baby k0h para sunduin ako at ang mga gamit ko. Nagpaalam kami bago umalis, kaso si Mama pa lang ang napagpaalaman namin, nasa room kasi si Papa. Tinawag ni Mama si Papa para makapagpaalam na rin kami sa kanya. Paglabas niya,

Baby k0h: Pa, alis na po kami and salamat po.
Papa: Oh sige, ingatan mo 'tong anak ko ha, kapag hindi mo na kaya, ibalik mo na siya dito
sa amin.

Baby K0h: Hehe, hindi po mangyayari yun at aalagaan ko po talaga siya. Salamat po ulit.
Papa: Sige, ingat na lang kayo.

(Sabay yakap ko ng mahigpit kay Papa at nagpaalam)

Hinatid kami ni Mama hanggang gate namin.

Mama: Oh mag-iingat ka ha, tumawag ka lang dito kapag nagkaproblema ka.
Joel mag-ingat kayo ha, lalo na sa bagong lilipatan nyo.


Niyakap ko si Mama ng napakahigpit, na parang akala mo hindi na kami magkikita . Hindi ko na napigilang umiyak nung kumaway sa akin si Mama, habang papaalis na yung sasakyan namin. At kahit nasa byahe na kami, iyak pa rin ako ng iyak na parang gusto kong bumaba at bumalik sa mga magulang ko. Parang sinasabi ng isip ko, hindi ko pa kayang mawalay sa mga magulang ko, lalo na sa aking Mama. Mahal na mahal ko talaga sila.

Ganito pala ang pakiramdam, akala ko nung una simple lang, natural lang pero iba pala talaga kapag nandun ka na sa sitwasyon na yun. Buti na lang nasa tabi ko si Joel at kinomfort ako at sinabing,

Baby k0h: Wag ka ng umiyak bibisita naman tayo every week, palagi mo pa rin silang
makikita.


Lumuwag ang pakiramdam ko after niyang sinabi yun.Mahirap talagang malayo sa magulang lalo't Daddy's girl ka at sobrang attached ka sa parents mo. pero tulad nga ng sinabi ng asawa ko, lagi naman namin silang bibisitahin.

Mahal na mahal ko kayo Mama and Papa.. Lagi ko kayong mamimiss, kahit magkakaroon na rin ako ng sariling family.

Friday, January 22, 2010

♥Blah! Blah! blah! I hate it!! ♥

What's happening? Hindi ko maintindihan kung anong mga nangyayari ngayon. Nafufrustrate ako every time nakikita ko ang phone ko! Tsk! Tsk! Tsk! This is bad. I don't know kung nawawalan na ba ako n tiwala sa kanya, or maybe because sa paglilihi ko at siya ang napapaglihian ko. Pero nakakainit talaga ng ulo. Hindi ko alam kung makitid ba ang utak ko or malakas lang talaga ang pakiramdam ko sa mga bagay na ganito. AAArrgghh!! I hate this feeling!

Hayy, pinipilit ko namang isipin na talagang busy siya sa work niya para sa amin, pero malaking bagay ba yung mawawala sa kanya, if he text me once or thrice? at tsaka ang nakakairita pa, everytime I opened this topic, nagrereason agad siya. Pero bakit iba ang pakiramdam ko. I feel that he's hiding something or doing something behind my back. Example:
"maghapon siyang hindi nagtext, even lunch time wala man lang. then naisip ko siyang itext."

Honey k0h: so busy? kaya don't even have time to text me?
Baby k0h: Hi Hon, sorry hindi ako makapagtext. Ayoko kasing masita ng boss ko na text ng text.

Sa loob-loob ko lang, "ganon?! kahit ba lunch time 'di ka pwedeng magtext? kalokah ha!". Pero syempre hindi ko na inireply sa kanya yun. Napapagod na din kasi akong pagsabihan siya or sitahin siya on texting issue. Bahala na lang siya. Lalo lang sumasama ang loob ko kapag sinasabihan ko siya tapos nagrereason out agad siya. Ayokong dumating sa punto na lalo akong mairita sa kanya at baka kung saan pa humantong. Pero anong gagawin ko? Nasasaktan at nahihirapan ako sa ginagawa niya. Dati naman hindi siya ganyan. At tsaka ayoko nitong mga tumatakbo sa isip ko na baka may ibang kinalolokohan na siya sa office nila. Na baka nagagawang niyang iignore ako dahil sa ibang tao. Ewan ko ba, makitid ba talaga ang isip ko?


Natatakot na tuloy ako. Baka talaga hindi kami para sa isa't isa at tama ang Dad ko na hindi ako para sa kanya. Naguguluhan na tuloy ako. Parang ayoko na tuloy matuloy ang kasal namin dahil sa mga doubts and worries ko sa kanya. Ayoko na kasi na may loloko pa ulit sa akin.. Tapos na ako dun, nadala na ako.

I hope and pray na ma-overcome ko to! Please guide me Father.

Related Posts with Thumbnails
Protected by Copyscape Online Copyright Infringement Check

Rebel Princess

Click to view my Personality Profile page

My Group

Blogs Ng Pinoy

Pinoy Blogger

There was an error in this gadget
There was an error in this gadget

World goes round

My Blog List

♥ Wish you were here ♥

God is Good

God is Good
God is Good

Cheesy Heart

Cheesy Heart

Template by: Free Blog Templates