It's my 2nd day here in our new place in Makati ni Baby K0h. Okay naman yung place and yung owner. She's so nice to us. Wala kaming problem sa pakikisama. Masaya naman kami sa new house namin, kaso namamahay pa rin ako kahit nakakadalawang tulog na ako dun. Feel na feel na rin namin ni Baby k0h ang buhay may asawa. Everyday ako ang nauunang umuwi sa kanya from work. Kaya laging naghihintay pa ako sa kanya sa pag-uwi niya. Pero okay lang, at least pagdating niya may malinis na yung bahay and may nakaready ng dinner pagdating niya. Nag-aadjust pa rin kami sa kanya kahit matagal na kaming magboyfriend/girlfriend bago kami nagsama. Iba pa rin talaga kapag nakasama mo na sa bahay. Dun makikita kung pano siya gumalaw sa loob ng bahay, kung maingay ba siyang matulog or kumain, kung burara ba siya sa gamit or maimis, kung boring ba siya ng kayong dalawa na lang sa iisang bubong, at kung anu-ano pa. So far, wala pa naman kaming nagiging problem, ewan ko lang sa kanya kung may problem ba siya sa akin. Hehehe.
Kaso may isang bagay pa rin akong hindi ko pa nao-overcome, ang pagkamiss ko sa parents ko, lalo na sa Mom ko. Nung nagba-bye nga lang siya nung umalis ako hindi ko mapigilang mapaiyak habang naiisip ko na hindi ko na masyadong makakasama ang Mom ko. Sobrang mahal na mahal ko talaga sila ng Dad ko.
Kanina ngang umaga, hindi ko na naman napigilan ang emotion ko nung nagtext ang Mom ko sa akin.
"Good morning! Ako rin namimiss kita dito sa bahay pero massanay din tayo, basta mahal na mahal ka rin namin ng Papa mo, yan ang tandaan mo. Kailangan nyo lang talagang matutong magsarili muna para maipakita nyo na kaya nyo. Sige ingatan mong mabuti ang sarili mo. I love you and God bless you always."
Grabe, hindi ko man lang napigilang umiyak habang nandun ako sa tapat ng bakery naghihintay sa officemate ko pagpasok sa office. Panay ang pahid ko sa mga luha ko na parang hindi nauubos sa pagtulo. Bawat words na galing sa text ng Mom ko, tumatama sa puso ko, na parang napapaisip ako sana hindi muna ako bumukod, para laging ko silang kasama at hindi ako nalulungkot at nangungulila ng ganito sa kanila ngayon. Pero alam kong hindi pwede, dahil ayoko rin namang mawala yung pinaninindigan ko at yung taong mahal ko. Kahit nandito na ako sa office, tuloy-tuloy pa rin ang pag-iyak ko na para akong bata na naghahabol sa ina. Iniisip ko talaga sila ngayon kung kumusta na ba sila at ano ang mga ginagawa nila. Ngayon ko nararamdaman kung gaano sila kaimportante sa buhay ko. Kaya sobra rin akong nagpapasalamat kay Papa God na sila ang naging magulang at naging mapagmahal ng husto sa akin kahit may mga sama ng loob din akong naidulot sa kanila nuon nung nasa teenage years pa ako.
Gumaan na ang loob ko nung sinabi ni Mama:
"Kaunting tiis lang, at makakatabi ka rin dito sa bahay natin, kaya nga may bakante dito, para kapag napatunayan nyo na, na kaya nyo, pwede na kayong makalipat dito at magkakasama na ulit tayo."

4 comments:
I agree. Pag magkasama na kau sa house dun mo talaga malalaman ang tunay na ugali ng isang tao. kung burara ba xa, malinis or what. :)
Nice blog. Sweet.
@/iambrew : Yep, correct.. Pero ok lang yun, at least maaga pa lang makakapag-adjust pa kami sa isa't isa.. Pero sobrang namimiss ko talaga ang mga parents ko and yung pet kong si Orange (Shih Tzu)..
Thanks for dropping by.
God bless..
Sana dinala mo si Orange. Hehehe... NiLInk na kita ah!
hehehe.. sana nga eh..
kaso hindi pwede, wala siyang kasama kapag nasa work na ako..
Post a Comment