
Mabuti na lang mabilis ang byhe, walang traffic. Hindi na kasi ako sanay bumyahe ng malayo. Mga 45mins lang ang byahe ko pauwi ng Laguna. Pagdating ko sa amin, sinalubong agad ako ng cute na cute na si Orange (isa siyang Shih Tzu..). Hinanap ko agad ang Mama at Papa ko dahil sila talaga ang sobrang namimiss ko. At laking tuwa ko nung nakita ko na ulit sila, sobrang niyakap ko sila ng mahigpit. Tapos maya-maya nandyan na din ang mga Tita ko ubod ng kukulit at puro maloloko. Masayang masaya sila na nalaman nila sa Mom ko na magkaka-baby na rin ako. Sobrang tuwa ko din at maraming taong nakapalibot sa akin na masaya at excited sa parating na baby namin ng hubby ko.
Masaya ako na sobrang naramdaman ko ang warm na pagwelcome nila sa papadating baby ko. Ang dami nilang advice sa akin na dapat gawin at kainin. At ang pinakabilin ng mga Tita ko, wag ko daw hahakbangan si Baby K0h, dahil malilipat daw sa kanya ang paglilihi ko. Kawawa naman ang hubby ko kapag siya ang naglihi, hindi pa naman biro ang paglilihi. Tapos yun puro na tawanan at kwentuhan ang ginawa namin sa maghapon. ang isang Tita ko nagluto ng napakasarap na ulam. Grabe napakain talaga ako ng husto nun. Panay din naman kasi ang bigay nila sa akin ng pagkain. Hehehe.. Napakasaya talaga ng araw na yun. Ganun din ang Lola ko, masaya rin siya para sa akin, dahil maabutan niya pa pala ang magiging apo niya sa tuhod..
Hayy, sobra-sobra talaga ang pagpapasalamat ko kay Papa God, sa pagkilos niya sa buhay ko. Na hindi niya ako pinabayaan, lalo na sa mga worries ko. He really loves me. Basta talaga you have faith in Him na kahit kasing laki lang ng butil ng mustasa, mangyayari at mangyayari talaga ang hinihiling mo. All are possible with God. (Matthew 19:26)
Hayy, lalo tuloy akong naexcite na dumating na yung baby namin na magdadala ng saya sa mga parents ko.. Thank you Jesus!
0 comments:
Post a Comment