
Nalulungkot lang kasi ako, cause why I can't be happy again? And bakit ako nahihirapang maging masaya ulit? Bakit ako nahihirapang magtiwala ulit at pumasok sa isang relasyon.. Lagi ko na lang naiisip, na pwedeng gawin ulit sa akin ang pinagdaanan ko sa past relationship ko... Hayy.. Nahihirapan talaga ako.. Ang gulo ng isip ko at sobra akong nakakaramdam ng lungkot at pangungulila.. Kahit may mga taong nag-aattempt ng pasayahin ako at ibaling ang atensyon ko sa kanila, parang may kulang pa rin. Hindi ko alam! Ewan ko ba! Sana dumating na ang taong magpapabago ng isip ko. Sana dumating na yung sasagip sa akin, sa kalungkutan ko.. Sana makita ko na ang taong mamahalin ko ulit ng buong buo pero matuto na akong magtira para sa sarili ko.. Sana magawa ko ulit, magtiwala ng buo sa taong mamahalin ko, na hindi ako mapapraning sa kaiisip sa kanya kung anong ginagawa niya kapag hindi ako ang kasama niya at hindi niya magagawang lokohin ako.. Ang hirap ng ganong sitwasyon.. Sobrang nakaka-stress and nakakafrustrate. I wanna be happy, yun lang!
0 comments:
Post a Comment